Zambo ex-mayor, 8 pa sabit sa expired na gamot

Pinasasampahan ng kasong graft ng Office of the Ombudsman ang dating mayor ng Molave, Zamboanga del Sur at walong miyembro ng Bids and Awards Committee (BAC) dahil sa kuwestyunableng pagbili ng P1.8 milyong halaga ng gamot na bukod umano sa expired na ay overpriced pa.

Ayon kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales, mayroong probable cause para kasuhan si da­ting Molave Mayor Flavio Saniel Jr. dahil sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Sabit din sa kinu­kwestyong procurement ng mga gamot noong 2009 ang mga miyembro ng BAC na sina Marcos Bahinting, Melita delos Santos, Gasmelba Feli­citas, Nikki Omboy, Jerry delos Santos, Martin Blanco, Jr., Lina Lou Gitalan at Eleuterio Galleto.

Lumilitaw sa 2012 Audit Investigation Report ng Commission on Audit (COA) na bumili ang grupo ni Saniel ng P1.8 milyong medisina na idinaan sa bogus na public bidding.