Niyugyog kahapon ng 5.1 magnitude na lindol ang lalawigan ng Zamboanga del Norte at mga kalapit na bayan nito.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong alas-11:52 ng umaga nang maitala ang lindol na natukoy ang sentro sa bayan ng Jose Dalman.
Naramdaman ang lindol sa Dipolog City at Zamboanga City na nakapagtala ng Intensity 2 habang Intensity 1 naman sa Sibulan, Negros Oriental at Cebu City.
Tectonic ang pinagmulan ng lindol na may 53 kilometro ang lalim pero walang naitalang mga pinsala.