Zamboanga del Sur nilindol

Bahagyang umuga ang bayan ng Dumingag sa Zamboanga Del Sur nang tamaan ito ng magnitude 3.4 na lindol.

Sa nakalap na report sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ganap na ika-11:54 ng umaga nitong Huwebes nang maitala ang pagyanig sa layong 1 kilometer southwest ng Dumingag.

Ayo sa Phivolcs at

May lalim na 4 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Wala namang naitalang nasugatan o napinsalang mga ari-arian.

Wala ring inaasahang intensities o aftershocks.