Zamboanga ex-vice mayor dinale ng tandem

barilan

Pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang riding-in-tandem si dating Dumingag, Zamboanga del Sur Vice Mayor Nacianceno Pacalioga sa Bacolod, Lanao del Norte Miyerkoles nang umaga.

Naganap ang pamamaril kay Pacalioga, alas-8:20 nang umaga. Patungo sa Cagayan De Oro ang biktima lulan ng kanyang sasakyan nang huminto sa lugar para umihi, dito na umano dumating ang mga suspek at pinaputukan ang da­ting opisyal.

Agad na tumakas ang mga suspek habang naisugod naman sa pagamutan ang biktima.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo sa pamamaril. (Edwin Balasa)