Zamora nabiktima ng Omnibus cartel

Nalagay sa alanganing sitwasyon ngayon si San Juan City Mayor Francis Zamora dahil sa biniling overpriced COVID-19 polymerase chain reaction (PCR) test machine sa kontrobersyal na supplier na Omnibus Bio-Medical Systems na pag-aari ng mag-asawang Van at Evelyn Co.

Ito ay ginagamit ngayon sa agarang pag-test sa mga residente ng San Juan upang malaman kung ilan ang suspected case at probable case na may Corona virus desease (COVID-19) sa kalunsuran.

Batay sa nakalap na report, nabili umano ni Zamora ang mga test machine mula sa Omnibus Bio-Medical Systems sa halagang P2.5 milyon na halos 42 percent ang itinaas kumpara sa original na halagang P1.75 million para sa isang test machine ng private-led Project ARK na mula sa equipment maker na Sansure Biotech of China.

Nabatid na ang kanang kamay ng alkalde na si John Cheng, ang umano’y namahala sa pagbili ng test machines sa mag-asawang Co kung saan ka-batchmate nito ang lalaki sa Xavier School.

Nakabili din si Zamora ng P3.5 milyong halaga ng swab test kits na dapa’t sanay ` rebate ‘ o libre na sa biniling PCR machine.

Ang Omnibus Bio-Medical Systems ay naka-base sa Greenhills, San Juan. Naging kontroberyal ang tanggapan dahil sila din ang supplier ng PCR machines ng DOH na binili sa halagang P4 milyon kada isa na sinasabing binalot din ng korupsyon.

Samantala, sinubukang i- text at tawagan ng Abante Tonite si Francis Zamora at ang naging reaksyon nito ay : “Sorry hindi ako aware diyan. May ganyan na news ba?”

“ Ano po ba SRP dito sa Philippines ng PCR Machine? Sorry, I have no idea. I believe kasi that the P1.7M is factory cost, without taxes, freight and etc,” sabi naman ni public information head (PIO) head Brian Geli na walang naging kumpirmasyon patungkol sa isyu. (Vick Aquino)