Kinapitan ng mga manonood sa buong bansa ang makapigil-hiningang misyon nina Patty (Angelica Panganiban) at Marlon (Zanjoe Marudo) na sagipin ang kanilang inaanak na si Robin (Justin James Quilantang) sa top-rating na Kapamilya seryeng “Playhouse.”
Dahil sa muling pagsasanib-pwersa ng mag-asawa para kay Robin kasama na ang tulong ni Natalia (Maxene Magalona), nakakuha ang “Playhouse” ng national TV rating na 17.9% noong Huwebes (Marso 7), base sa datos ng Kantar Media.
Sampung puntos naman ang lamang ng show laban sa kalabang programa nitong “Hiram na Anak” na nagtala lang ng 7.8%.
Siksik sa aksyon at suspense ang mga naging tagpo sa kuwento lalo pa’t nasubok din ang pag-ibig ni Natalia para sa asawang si Peter (Ivan Padilla) na siyang may pakana sa naturang pagdukot, habang pinatunayan naman ni Natalia na mas matimbang ang pagmamahal niya para sa pamangkin.
Ngunit kahit ligtas na si Robin, hindi pa tuluyang napupuksa ang panganib para kina Patty, Marlon, Natalia, at Robin.
Sa huling linggo ng “Playhouse,” babalik pa si Peter para maghiganti sa kanila at wakasan ang kanilang mga buhay. Kaya bang pigilan nina Patty at Marlon ang kasamaan ni Peter?
Ano ba ang mga dapat asahan ngayong linggo?
Sino-sino ba ang mga mamatay o mabubunot sa roleta ng kapalaran? Ang mga walang kamuwang-muwang, o ang puno’t dulo ng lahat ng problema?
Ano ang masasabi ng mga manonood?
@NikkiTan01: “One of the worst feelings in the world is when someone you care about starts treating you differently because of just one little mistake you made.”
@sheisdeej: “I’m here because of these two; to Donny & Kisses don’t let anyone break your heart, coz you’re too precious and please never stop believing in yourself. I love you both so much.”
@Mjamz23Trisha: “Nung CV pa ako I started as Kissmay fan den naging Kisses fan nag join ako k ibon bcoz of K pero naging kw shipper ako but i supported others den i saw the prenship of donny n kisses i end as solid #DonKiss idunno just love them both together DONKISS only. #PlayHouseLifeAtRisk.”
@KissesFighters_: “My parents taught me honesty, truth, compassion, kindness and how to care for people. Also, they encouraged me to take risks, to boldly go. They taught me that the greatest danger in life is not taking the adventure.”
@EWMademoiselle; “All good things must come to an end. “If papipiliin ako ng first teleserye ko, Playhouse pa rin pipiliin ko.” -Kisses I will surely be missing ZekShie and the rest of the characters. Down to last 5 days nalang pala!”
@colinesterase: “Why do I feel like mamamatay si Robin? Tapos magiging masaya sya kasi makakasama na niya biological parents nya sa heaven. #PlayHouseLifeAtRisk.”