Zanjoe, clueless kung naka-move on na kay Bea

‘Hindi na kami nagkikita…
Hindi na kami nag-uusap.
Pero feeling ko, OK kami.’

NAINTRIGA kami sa tuksuhan sa presscon ng Tubig at La­ngis.

Tinutukso sina Zanjoe Marudo at Isabelle Daza ng co-stars nila na para bang ‘may something’ na namuo sa dalawa habang ginagawa nila ang Kapamil­ya afternoon drama.

Panay lang ang tawa ng dalawa sa panunukso ng mga kasamahan nila.

Ang sabi ni Zanjoe, sa mga eksena kasi nila ni Cristine Reyes, imbes na Irene ang sabihin niya ay Clara (pangalan ng karakter ni Belle) ang nasasabi niya.

Si Belle naman ay may pa-cute na tanong na, “Bagay ba (kami ni Zanjoe)?” kaya lalo silang kinakantiyawan ng co-stars nila.

Feeling namin, kung single si Belle at hindi pa ikakasal sa French boyfriend nito ay posibleng may namuo talagang ‘something’ sa kanila ni Zanjoe.

Parang may meaning din ‘yung pabirong hirit ni Belle na ‘pag kinaliwa siya ng fiancé niya ay, “Dito na lang ako (kay Zanjoe).”

Sinagot naman ‘yon ni Z at ang buong ningning na sey nito kay Isabelle, “‘Pag kinaliwa ka ng fiancé mo, tutulungan kitang gumanti. Gaganti tayo. Kahit ilang beses!”

Hiyawan ang mga nakarinig sa statement na ‘yon ni Z, pero natawa siya at sinabing joke lang ‘yon.

Natawa kami sa dayalog ni Zanjoe na isang ‘fantaserye’ ang Tubig at Langis dahil pinag-aagawan siya rito ng dalawang babae.

So, fantasy raw ito. Sanay kasi siya na laging siya ang third party.

“Ang galing mo, ah? Ang galing mo umarteng patay na patay ka kay Natoy!” nakangi­ting dayalog niya kay Belle.

Nang mapag-usapan ang nalalapit na wedding ni Isabelle (na isa sa mga rason kaya tatapusin na ang TAL), parang may laman din ‘yung hirit ni Zanjoe na, “Hinihintay ko kung matutuloy ang kasal ni Belle, eh!” na joke lang daw niya, pero lalo silang kinantiyawan at tinukso ng co-stars nila.

In fairness ay ang ganda ng aura ngayon ng Kapamilya hunk. Mukhang masaya si Z at parang naka-move on na sa breakup nila ni Bea Alonzo.

Naka-move on na ba siya?

“Hindi ko alam. Actually, hindi ko alam. Kasi, hindi ko naman masasabi ‘yun eh na, ‘Uy, naka-move on na ako!’

“Hindi, eh. Ewan ko, baka. Kasi, sinasabi n’yo nga na mukhang okey naman ako.

“Actually, aaminin ko, nu’ng sinimulan ko ‘tong show na ‘to, medyo hindi ako okey last year.

“Kaya nagpapasa­lamat ako sa kanilang lahat, kay AA (palayaw ni Cristine), kay Belle, sa lahat ng cast na nandiyan, nakasuporta lang sa akin.

“Alam mo ‘yon? Pilit ka nilang pinapasaya, pilit kang inaaliw. Siyempre, pinagdadaanan naman ‘yun, eh.

“Kaya nga pinagdadaanan, ibig sabihin malalagpasan, ‘di ba? So, dadaan lang siya.

“Kaya nakakatuwa na matatapos ‘yung show namin na masaya ka­ming lahat at positive at ang daming blessings na dumarating.

“‘Yung estado ng puso ko ngayon, siguro masasabi kong masaya. Masayang-masaya ako ngayon and ayokong i-pressure ang sarili ko sa kahit anong bagay dahil sa ngayon, committed pa ako sa sarili ko, sa trabaho ko, sa pamilya ko,” bulalas ni Zanjoe.

Kumusta na sila ni Bea?

Zanjoe Marudo
Zanjoe Marudo

“Hindi ko po puwedeng sabihin na… kasi siyempre, hindi naman na kami nagkikita. Hindi na kami nag-uusap. Pero feeling ko, okey naman kami.

“At ‘pag nagkikita kami sa mga event, okey naman kami. Nagpapansinan kami. Friends. Parang ganu’n. Parang normal na civil, ‘yun.”

Sey ng loveless ngayon na si Zanjoe, “Ayokong i-pressure ang sarili ko na dahil single ako, kailangang magka-girlfriend ako. Ang guwapo ko, kailangan may girlfriend. Ha! Ha! Ha!

“Hindi, ayoko ng pressure. Darating at darating naman ‘yung tamang tao para sa akin, eh.

“So, kung anong nasa akin ngayon, ‘yun ang ine-enjoy ko at kung anong mga parating na blessing.

“Malay mo mamaya, makasalubong ko lang diyan, ‘di ba?”

Eh kung nagkataon na parehong libre at walang commitment sina Cristine at Isabelle, posible ba siyang mainlab siya sa isa sa dalawa?

“Kung dalaga pa sila, nasa kanilang dalawa ‘yung mga ugali na nakikita ko na sana, kung sinuman ‘yung susunod na mamahalin ko, na magmamahal sa akin, sana parehas ng ugali ni Aa at saka ni Belle.

“Kasi, nakita ko kung gaano nila kamahal ‘yung mga partner nila at kung gaano sila karesponsable sa mga trabaho nila para sa mga pamilya nila.

“Sana, maka-meet ako ng ganu’ng klaseng babae, ‘yung halos parehas nila.”

Natatawang inamin ni Z na sa totoong buhay ay naranasan na niya ‘yung meron na siyang karelasyon, tapos ay meron pang iba na may gusto o naghahabol sa kanya.

Masarap daw ang feeling na pinag-aagawan ng dalawang babae.

So, nangyari na sa kanya ‘yon?

“Madalas po.”

Anong ginagawa niya ‘pag ganu’n?

“Nagpi-pray,” kuwelang sagot ni Z, na umani ng ma­lakas na tawanan.

Aniya, sa ganu’ng sitwasyon ay mas ia-admire ka nu’ng tao ‘pag hindi ka pumatol dahil ibig sabihin ay faithful ka.

Sobrang saya raw nu’ng taken ka na ay may naghahabol pa sa ‘yong iba, pero sa mga edad na 20’s lang daw okey ‘yon na ma-experience.

‘Pag mature na o lalo na ‘pag kasal na, dapat ay gradweyt na sa gano’n.

Nasa last four weeks na ang Tubig at Langis na napapanood tuwing hapon pagkatapos ng Doble Kara.