NI: ROLDAN CASTRO

Walang takot na naghubo’t hubad at nagpakita ng puwet si Zanjoe Marudo sa love scene nila ni Lovi Poe at sa “Malaya.” isang original movie ito mula sa “Glorious” director na si Concepction Macatuno, na napapanood na sa sa iWant at TFC.tv.

Mapusok at babad din ang kissing scene ng dalawa.

Ang naturang pelikula ay kinunan sa Italy, kung saan libo-libong Pilipino ang nakatira. Susundan nito ang dalawang taong nakikipagsapalaran sa isang banyagang bansa – isang makabuluhang kwento tungkol at para sa overseas Filipinos na naghahangad ng mas magandang buhay para sa kanilang pamilya.