Zanjoe nahiwa ang ibabaw ng mata

Zanjoe nahiwa ang ibabaw ng mata

Nagkaroon ng minor injury si Zanjoe Marudo sa katatapos lamang na Star Magic All-Star Games 2019 last Sunday held at the Araneta Coliseum.

Zanjoe was part of the Warrior team sa basketball division at ka-team niya sina Gerald Anderson na siyang team captain, Daniel Padilla, Kyle Velino, Gerhard Acao, Patrick Sugui, Joe Vargas, Jose Sarasola, Ronnie Alonte, Donny Pa­ngilinan, Axel Tores, Young JV Kapunan, Zanjoe Marudo, JC de Vera, Ejay Falcon and Joseph Marco.

Ipinost ni Zanjoe sa kanyang Instagram account ang larawan niya na may hiwa sa ibabaw ng kanyang mata, malapit sa kilay. Medyo malalim ang sugat at kailangan talagang tahiin. Ipinakita rin naman ng aktor ang la­rawan niya matapos itong tahiin at sa huling larawan ay makikita nang may bandage na ito’t naka-thumbs up na si Z na ibig sabihin ay okay na.

Sa caption, Z wrote, “Malayo sa bituka. Congrats Team RED!” at nilag­yan ng hashtag na “sorrysaphotos”.

Ibinalita rin ng abs-cbn.com na nagkaroon nga ng minor injury si Zanjoe at hindi na naglaro after nito.

Pero for sure ay bittersweet ang injury for Zanjoe dahil ang team niya ang hinirang na champion sa basketball at tinalo ang Team Vice Ganda nina Vice at mga kasamahan sa “It’s Showtime” kabilang na ang Hashtags members. (Vinia Vivar)