Zara nakakangatog ang alindog

Kaakit-akit kung isasalarawan ang kaseksihan ng dating Viva Hot Babe na si Zara Lopez. Nakakangatog ng tuhod ang kanyang alindog..

“Kakauwi ko lang Tito galing sa South America sa Dominican Republic para magpictorial ng ini-endorse ko na product na Relumins.

“Sobrang busy ko rin sa business ko. ‘Yung yema spread and peanut butter na 2 years ko na ring negosyo. Pag walang shows, mas napo-focus ako sa business ko, Alam mo naman ang showbiz ups and down kaya dapat lagi kang may back up.

Nakita na natin ‘yung mga ibang artista ng naghirap kaya dapat maging lesson na sa atin ‘yun. Matuto tayong kumayod ng double at mag-isip pa ng ibang pwedeng negosyo,” lahad pa niya. (Roldan Castro)