Zephanie kauna-unahang “Idol Philippines” grand winner

tonite-this-is-it-roldan-castro

Ni: ROLDAN CASTRO

Hinirang bilang kauna-unahang “Search for the Idol Philippines” si Zephanie Dimaranan matapos niyang pabilibin ang judges at publiko gamit ang kanyang tinig sa dalawang araw na grand finals na kompetisyon noong Sabado at Linggo (Hulyo 27 at 28).

Nakakuha si Zephanie ng 100% mula sa pinagsamang scores ng judges at text votes para higitan ang mga katapat niyang sina Lucas Garcia (70.2%) at Lance Busa (41.89%). Bilang premyo, nag-uwi ang singer na tubong Laguna ng P2 milyon, house and lot, trip for four to Taiwan, at recording contract from ABS-CBN.

Noong Sabado, nakipagtagisan ng galing si Zephanie sa pag-awit niya ng “Lipad ng Pangarap” na nagpapasok sa kanya sa Top 3. Nito namang Linggo, kinanta niya ang “Maghintay Ka Lamang” at ang original composition ni Jonathan Manalo na “Pangarap Kong Pangarap Mo.”

Kasabay ng tagisan sa galing ng Idol hopefuls ang pagbisita ng “American Idol” finalist at Filipino pride na si Jessica Sanchez na umawit ng “And I Am Telling You.” Nagpamalas din ng husay ang singing champions na sina Jona, Elha Nympha, Janine Berdin, at KZ Tandingan sa pagbirit nila ng mga awitin kasama ng Top 3 Idol hopefuls.

Samantala, lubos namang tinutukan sa telebisyon ang naganap na grand finals matapos humataw sa national TV rating na 31.4% ang reality-singing competition noong Sabado. Nanguna rin ito noong Linggo sa pagtala nito ng 34.2%

Naging usap-usapan din sa social media ang tapatan ng Idol hopefuls matapos mag-top trending topic worldwide ang official hashtags nito na #IdolPHFinalShowdown at #IdolPHGrandWinner.

Secret ni Andrea Brillantes inilabas na

Matagumpay ang paglulunsad kay Andrea Brillantes bilang Brilliant Skin newest ambassador. Kasabay ito ng whole day na Brilliant Conference para sa mga distributors, franchisees at resellers ng naturang produkto na ginanap sa SMX MOA . Ang nasabing event ay pinangunahan ng Brilliant CEO na si Mam Glenda Victorio

“We are just thankful dahil lahat ng nangyari, e, talagang itinakda ng tadhana.

“Ako naman kasi, parang wala pa sa isip ko noon ang kumuha ng endorser. But when I learned na matagal na palang ginagamit ni Blythe (Andrea) ang product namin when I saw her YouTube videos, e, talagang natuwa ako.

Tapos I realized na ang kanyang last name, e, katunog pa ng product natin..
“So, sabi ko nga, parang divine providence ang mga nangyayari and ‘yon ang naging game changer,” deklara ni Mam Glenda.

Inilantad na ni Andrea ang kanyang beauty secret at kung pinoprotektahan ang kanyang skin.

“Matagal ko nang ginagamit ang Brilliant products in pampering my skin. Natuwa lang kasi ako nu’n dahil nga sa pangalan ng brand kaya nag-try ako ng isa. And nu’ng naging maganda naman ang effect sa aking face and skin, I just continued using it,” pag-amin ng young actress.

Dumalo rin sa launching ni Andrea ang kontrabida sa Kadenang Ginto na si Dimples Romana. Siya ang nagpakilala kay Andrea bilang bagong miyembro ng Brilliant Skin family.

Nagsalita rin sa entablado ang Broadcast journalist na si Korina Sanchez
“Para sa mga hindi nakakaalam, ako po, e, isa ring distributor ng Brilliant Skin Essentials. I was so inspired with the story of Glenda kaya naman hindi na ako nagdalawang-isip to join the business. And ako na ang nagsasabi na masaya ako sa nangyayari sa aking negosyo,” pagmamalaki ni Korina sa audience.
Talbog!

Kelvin, Kenken todo puri ng director

Puring-puri ni Direk Rey Col

oma ang mga bida niya sa pelikulang “The Fate”. Ito’y tinatampukan nina Kelvin Miranda , Kenken Nuyad at Elaiza Jane.

“Napaka- natural umarte ang mga bida rito, na-impress ako sa kanila dahil mahusay at madaling katrabaho,” sambit ni Direk Rey.

Ang The Fate ay prodyus ng Star Films Entertainment Productions ni Elenita Tamisin .

Kuwento ito ng dalawang hindi mapaghiwalay na magkakapatid pagkatapos nang pagkamatay ng kanilang ama. Sa lansangan sila tumira. Nabubuhay s sa pagbebenta ng mga plastik at bote. Magbabago ang buhay nila sa isang video na naging viral habang kumakanta si Karl (Kevin).

Kasama rin sa pelikula sina Akihiro Blanco, Gaye Piccio , John Matthew Uy , Lewis Simpson , Gab Lopez, Cris Bacula , Atheena Santamaria, JC Montecarlo, Jethany Miranda, at Ryan Arizala. Introducing sina Aaron Concepcion at Ejay Fontanilla May special participation si Christian Vasquez
Magkakaroon ito ng premiere night sa Aug 25 sa SM Megamall, Cinema 4, 8pmEntry rin ito sa Urduja Film festival, Inding Indie Film Festival, film festival sa Mindanao Samantala, ang director ng movie na si Rey Coloma ay 25 year old .Ilocano filmmaker na tubong Marcos, Ilocos Norte. Ang kanyang unang pelikula ay pinamagatang Lampitao Isa itong short film na isinali sa International Film Festival. Nanalo rin itong Best Picture, Best Screenplay, Best Musical Score, Best Cinematography, Best Production Design, Best Actor, Best Actress sa North Luzon Cinema Lab, Claveria Cagayan Short Film Festival sa Claveria Cagayan Valley.