Zero CP sa Bilibid ibinida ni Bato

bato-delarosa

Harap-harapang napagsabihan si Senador Laila de Lima ni Philippin­e National Police (PNP) Director Ge­neral Ronad ‘Bato’ dela Rosa nang punahin ng huli ang kahinaan ng una na aksyunan ang namama­yagpag na drug transaction sa New Bilibid Pri­son (NBP) sa ilalim ng kanyang panunungkulan.

Buong pagmamalaki ring sinabi ni Dela Rosa na sa ngayon ay zero cellphone sa NBP dahilan upang wala nang nangyayaring drug tran­saction sa loob ng kulu­ngan bunsod ng pagtake-over ng Special Action Force (SAF) sa seguridad ng NBP.

Dahil dito, napagsabihan tuloy ni De la Rosa si De Lima na dapat noon pa ay ginawa na ng senador na ang SAF na rin ang nagbabantay sa NBP upang hindi na lumala ang pamamayagpag ng droga.

How I wish noong panahon ninyo pa lang yung SAF na ang pinagguwardiya sa Bilibid,” hirit ni Bato.