Laro ngayon (Smart Araneta Coliseum)
5:00 p.m. — Ginebra vs SMB
Hindi madaling tapusin ang kalaban sa isang serye, lalo kung tulad ng San Miguel Beer na author ng greatest comeback sa PBA history nang mula sa 0-3 deficit ay tuhugin ang apat na sunod na laro para hiyain ang Alaska sa Philippine Cup Finals ng kasalukuyang season.
Mula sa Zero, naging Hero ang Beermen sa seryeng iyon. At ito ang iniiwasan ni Ginebra coach Tim Cone.
“Closing out an opponent in a series is always hard, closing out an opponent like SMB will be incredibly tough, almost hard to imagine,” pag-amin ni Cone.
Tatapatan ng determinasyon ng Ginebra ang Beermen ngayong Game 3 ng best-of-5 Governors Cup semis para wala nang mapeligrong winner-take-all Game 5 sa Martes kundi didiretso na sa Finals.
“But we are determined, we know the danger of having to go Game 5 with them. We need to go all out,” hirit ng 18-time champion coach.
Sumandal ang Gin Kings sa buzzer-beating baseline jumper ni Japeth Aguilar sa Game 3 nu’ng Biyernes para sa 2-1 lead at sumungaw na sa unang Finals stint sa loob ng tatlong taon.
Bukod kay Aguilar, dapat ding magbanat pa ng buto sina Justin Brownlee, Scottie Thompson, LA Tenorio, Sol Mercado at Joe Devance sa pakikipagmanu-mano kina June Mar Fajardo, Elijah Millsap, Marcio Lassiter,
Alex Cabagnot at Ronald Tubid.
Sa isa pang semis pairing, puro na rin sa championship ang Meralco nang muli ay sorpresahin ang TNT KaTropa, 119-113, kagabi sa Big Dome din. Naglista ng 23 points si Allen Durham, may 21 si Reynel Hugnatan at 17 kay Jimmy Alapag para itulak ang Bolts sa 2-1 lead.