Super proud na ibinahagi ni Marian Rive­ra sa Instagram ang award na ibinigay sa kanyang baby girl na si Zia.

Tumanggap ng parangal na ‘Vast Vocabulary’ ang panganay nina Marian at Dingdong Dantes sa eskuwelahan at umani nga ito ng pagbati mula sa mga fan na mas kilala ngayon bilang ‘The Dantes Squad’.

Well, inaabangan na nga lagi ng mga fan ang pasabog ng pamilya Dantes kung kaya’t excited­ na ring ibinahagi ni Marian sa kanyang social media ang achievement na nakamit ng kanilang anak.

Dagdag pa ni Marian na may dalaga na siya at si Zia nga iyon. O kay bilis ng panahon at nga­yon nga ay may dinadala pang baby si Marian at talaga nga namang family goals ngayon ng mga Pilipino ang Pamilya Dantes.

Pinalakpakan din ng mga kapwa artista nila tulad nina LJ Reyes, Sheena Halili at iba pa si Zia. Sinabi rin ni Ai-Ai delas Alas na mana si Zia sa kanya bilang ninang nito!

Inaasahan din ng mga fan na si Zia na magiging Miss Universe sa susunod­ na henerasyon ito.
Well, why not? May ibubuga naman talaga sa mukha palang! ­