Zika cases binabantayan pa rin

Patuloy pa rin ang Department of Health (DOH) sa pagbabantay sa kaso ng mga nagkaroon ng zika virus sa bansa­ sa kabila na hindi na gaanong maugong ang pagbibigay ng impormasyon dito.

Sinabi ng DOH na patu­loy pa rin ang kanilang kampanya laban sa zika at iba pang sakit.

Tuluy-tuloy pa rin ang pag-monitor sa mga dumarating na biyahero mula sa mga bansang may mataas na ulat ng mga tinatamaan ng ganitong sakit.

Nabatid na sa kasalukuyan nasa 57 na ang kabuuang bilang ng biktima ng zika virus sa Pilipinas.

Sa naturang bilang, 38 sa mga nagpositibo sa zika ay mga kababaihan,­ habang 19 naman ay kalalakihan.

Pinakamaraming naitalang kaso nito ay sa Metro Manila na may 20; 18 sa Calabarzon; 15 sa Western Visayas at tig-dalawa naman sa Central Luzon at Central Visayas.