BIRTHDAY ni Zion noong Sabado at 4 years na ang anak nina Ric­hard Gutierrez at Sarah Lahbati.

Simpleng handaan lang sa bahay ang ginawa nila at hindi pa muna nagpa-party.

Noong araw na ‘yon, tinuruan nina Richard at Sarah si Zion na mag-skateboarding.

Enjoy na enjoy ang bata.

Noong magkakasama kami sa Geneva, Switzerland narinig namin ang pag-uusap ng mag-anak tungkol sa skateboatding.

That time ay naipangako ni Richard sa anak na tuturuan niya si Zion na mag-skateboarding.

“Dinner party tonight with the entire family. Yes we went skateboarding yesterday and opened his gifts at home,” sabi ni Richard.

At dahil bumalik na ang kakambal niyang si Raymond Gutierrez ay nagkaroon sila kagabi ng intimate birthday dinner with the whole family.

4 Responses

  1. Itong Jun na to, parahes lang kayo ni SHALALA kung magsulat! Sayang ang espasyo na Ibinigay ng Abante sa dalawang ito! Tigilan mo na ang pagsulat sa Gutierrez family, o kung ayaw mo naman, ibigay mo na lang sa ibang showbiz writer. Baka naman pati pagtuli kay Zion eh isulat mo pa!