Zion kaliga na si Jordan

Zion kaliga na si Jordan

Magkaliga na sina Zion Williamson at Michael Jordan.

Sa kanyang rookie season, wala pang 15 games na sumasalang si Williamson pero nakakabilib na stats line na ang kinakamada niya.

Sa 115-101 win ng New Orleans kontra Golden State, nagsalansan ang 19-year-old ng 28 points na sinahugan ng 7 rebounds.

Sa 11 laro lang, nag-average ang Pelicans top pick ng 22.4 points at 7.2 assists per game sa loob lang ng 27.6 minutes.

Nakakamanghang numero.

Sa kanyang pinakahuling stat line, tinuhog ni Williamson ang pang-apat na sunod na larong may 25-plus points mula sa at least 57 percent shooting.
Si Jordan ang hu­ling rookie na naglista ng ganitong numero sa parehong span ng laro, via Stat Muse.

Inihanay din ni Williamson ang pangalan sa usapan ng Rookie of the Year.
Nangunguna sa karera ang No. 2 pick sa likod niya nitong 2019 na si Ja Morant na consistent din ang performance sa Memphis Grizzlies.

Nasa contention pa sa playoffs ang Grizzlies, No. 8 sa Western Conference sa 28-28 (bago ang mga laro ng Lunes). Pero 3.5 games lang sa likod nila ang Pelicans (25-32).

Kaya pang habulin ng New Orleans ang Memphis, at kapag nasipa nila sa postseason ang Grizzlies ay gaganda ang debate sa Rookie of the Year. (VE)