Zsa Zsa, Ai Ai nagrambulan kay Lee Min Ho

NI: MILDRED A. BACUD

Kung hindi nagustuhan ni Ai Ai delas Alas ang Korea novela ng The King:Eternal Monarch, hindi naman naitago ni Zsa Zsa Padilla ang pagka-hook niya sa nasabing serye.

Post niya sa kaniyang Twitter, OMG I loved yesterday’s episode of #TheKingTheEternalMonarchep12.No matter what others say, I think Lee Min Ho and Kim Go-Heun(one of my fav Korean actress)have great chemistry. I get super kilig when they are together on screen. #kdrama. Can’t wait for

tonight s episode.”

Nagustuhan naman ng netizen ang reaksyong ito ni Divine Diva. Kinontra kasi niya ang naunang review ni Ai Ai delas Alas na napangitan sa nasabing serye.

Sagot ng netizen sa post ni Zsa Zsa, My head is spinning over that lengthy criticism of Ai Ai delas Alas against #TKEM. I respect that she did not like it but to implicitly discouraged viewers not to watch it is totally unncessary. At least your post is more sensible than hers. I appreciate it.

Sinagot naman ito ng singer actress na

” Waited 11pm and I was like,where’s the new episode of The King? Ay nakadalawa nap ala this weekend. Excited lang kasi for more. Cant wait till next week. Regarding Ai Ai’s post, I checked IG and I posted my comment 3 hours ahead of hers. So not throwing shade, guys.(with heart emoji)

Matatandaang pinutakti si Comedy Queen ng mga basher dahil sa opinion nito sa TKEM. Kung hindi lang daw niya paborito si Lee Min Ho ay hindi niya bibigyan ng chance na panoorin ito. Hindi raw maganda ang flow ng story kung science fiction, action o love story.

Sabi ng isang netizen hindi raw dapat nagkokomento ng ganito si Ai Ai dahil nasa entertainment industry rin siya. Ininsulto pa ng isang netizen replying to Zsa Zsa, “Baka walang subtitle kaya di maintindihan ni Ms. Ai Ai.”

So, watch na ng The KingThe Eternal Monarch. Alamin kung sino ang mas tama kina Zsa Zsa at Ai Ai.