Close friend ni Eric ang dati niyang ‘madrasta’ na si Zsa Zsa Padilla kaya siya ang inusisa ng press tungkol sa naudlot na wedding nito sa ex-fiance nito na si Conrad Onglao.
Ayon kay Eric, nang malaman niya ang breakup nina Zsa Zsa at Conrad ay pinabayaan niya muna ito dahil alam niyang may pinagdadaanan ang Divine Diva.
Nu’ng time na kailangan na niya itong kausapin hinggil sa estate ng kanyang nasirang ama na si Dolphy ay doon niya lang kinausap si Zsa Zsa.
Aminado si Eric na nagulat siya sa hiwalayan dahil engaged na ang dalawa.
Pero never niyang tinanong si Zsa Zsa kung anong totoong nangyari dahil ang mas importante ay ang well-being nito at kung okey ba ito.
“Basta okey siya, gusto niya itong desisyon na ito, I know she’s going through something but if in the end, it’s going to be good for her, then I’m happy for that. I’m happy for her,” bulalas ni Eric.
Kasalukuyang nasa Las Vegas si Zsa Zsa at nagha-hibernate, pero may balitang gusto pa rin itong suyuin ni Conrad.
Ang maipapayo lang dito ni Eric ay, “Follow her heart. I mean, kung ano sa tingin niya ang dapat niyang gawin.

“But ang sa akin, huwag niyang pilitin ang sarili niya or don’t convince herself just because kailangan.
“Hindi puwede ‘yan, eh. I think you have to ask your heart and your mind and kung ano sa palagay niya ‘yung dapat para sa kanya.
“Kasi, it’s hard to say na, ‘Save the relationship.’ Depende ‘yun sa kanya, eh. It all depends on her, kung ano ‘yung nararamdaman niya.
“And like I said from the time na nag-uumpisa pa lang silang magsama ni Conrad, if she’s happy with that, then go ahead.
“I mean, at this point, we’re not getting any younger. Zsa Zsa’s not getting any younger. So, my advice to her is just enjoy life first.”
Enjoy na lang kahit walang kasal?
“Yeah, I mean she never married my dad, but look. She was the longest relationship my dad ever had. So, ‘di ba? Kailangan ba ng kasal? I don’t think so.
“Ang marriage, yes, if you believe in marriage, then go ahead. But if you think that you can be in love without marriage, then well and good.”
Tingin niya ba ay naka-move on na si Zsa Zsa?
“I think yes and no. Kasi, siyempre may pinagsamahan sila rin ni Conrad, I mean, hindi mo maaalis ‘yun basta-basta.
“You cannot just say… I think anybody would lie if that person says na, ‘O, after five days or after a month, I’ve moved on!’
“No, that’s not true. You can probably move on, like parang to appease yourself and say, ‘O, I’m dating again,’ or I’m seeing somebody else,’ but totoo ba ‘yun?
“You’re just doing that because you wanna feel good about yourself. But deep inside, I know they’re both hurting. Kasi, sabi nila, it takes half the time before you can move on.
“So, kung two years sila nagsama, probably give Zsa Zsa a year and Conrad a year if it doesn’t work out.”
Sa palagay niya, dapat pa bang mag-usap ang dalawa?
“They should. They should talk. But kailangan din kasi, pareho silang ready kung mag-uusap sila,” seryosong pakli ni Eric.
Sa August 10 ang showing nationwide ng That Thing Called Tanga Na sa direksyon ni Joel Lamangan.
***
SI Eric Quizon ang pinaka-senior sa beki squad ng pink comedy movie ng Regal Films na That Thing Called Tanga Na.
Rich gay lawyer at businessman na kung tawagin ay Papa Chu ang role ni Eric, na may dyowang bagets (Albie Casino) na nabuking niyang inaahas ng isang hindi kagandahang talent manager (Jerald Napoles).
Kita sa trailer ng movie na sobrang in-enjoy ni Eric ang kanyang beki role.
Effortless kay Eric ang magbading-badingan, na ginawa na niya noon sa pink films na Pusong Mamon, So Happy Together at Markova: Comfort Gay.
Natuwa siyang makatrabaho sina Billy Crawford, Martin Escudero, Kean Cipriano at Angeline Quinto. Masaya sila lagi sa set.