HAVEY: Pagkatapos mag-concert tour sa U.S. ang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla kasama si Basil Valdez, nandito siya ulit sa ating bansa.

Bukod sa ASAP, aba­la na naman siya sa bagong role niya sa buhay.

Ito ay ang ang pagiging producer ng concert ng kanyang anak na si Karylle pagkatapos nitong mawala nang medyo matagal-tagal at nag-shoot ng isang special project sa Singapore.

Zsa Zsa wasted no time sa pagbubuo ng show para sa anak na gusto niyang suportahan sa bagong album.

Dubbed as Karylle, A Different Playground, magaganap ang show sa Teatrino, Greenhills sa November 4 & 11.

Ganyan si Zsa Zsa, ever so supportive sa kanyang mga anak. Mali­ban sa sariling concerts, maaalala natin na siya rin dapat ang producer ng concert ng anak na si Zia Quizon noon sa Music Museum.

Nagka-anxiety attack si Zia kaya na-postpone ito.

I’m sure, todo suporta rin ang Showtime cast sa concert na ito ni Karylle na kailangang maramdaman ulit ang presence dito sa ating industriya.

***

WALEY: Marami ang nag-react sa kapatid nina Aljur at Vin Abrenica na si Allen sa Pinoy Boyband Superstar.

Pumasa siya sa u­nang round na looks ang batayan at ang girls ang boboto.

Pero nu’ng pakantahin na siya sa harap ng judges ay medyo kinulang siya sa pamantayan ng dapat maging finalist dito.

OK na sana kung ganoon lang ang nangyari ngunit medyo hindi maganda ang dating sa tao at sa judges ang sinabi ni Allen na sinuway niya ang kanyang ama at ninais siyang ipagpaliban ang pag-aaral para makapag-showbiz.

Kaya tuloy nakapagsabi si Vice Ganda na binigyan sila ng idea ni Allen — at tuluyan na siyang iniligwak.

Magsilbing-aral nawa ang pinagdaanan ni Allen na hindi masamang mangarap — pero mainam pa ring sundin ang magulang at ayusin ang pag-aaral!

I hope na mas malaking leksyon ang natutunan ni Allen sa pagsali niya at pagkaka-reject sa Pinoy Boyband Superstar (PBS).

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.