KALOKA ang pa-boobs kahapon ni Zsa Zsa Padilla sa finale/thanksgiving presscon ng Wildflower ng ABS-CBN, huh! Aba, tinalbugan pa niya ang bida ng Wildflower na si Maja Salvador, pati na sina Aiko Melendez at Sunshine Cruz, dahil parang may puwet ng bata sa harapan ni Zsa Zsa dahil nga sa kanyang boobs na in fairness ay tayong-tayo pa rin kahit 53 years old na siya at dalawa na ang anak.
Sabi ni Zsa Zsa, nasanay na siya sa ganoong kasuotan dahil mga ganoon ang ipinapasuot sa kanya ng stylist ng kanilang series na akma sa role niya bilang si Red Dragon.
Hindi raw niya sinadya na magsuot ng ganoon para talbugan ang ibang mga aktres na kasama niya sa Wildflower finale/thanksgiving presscon.
Sabi naman ni Yen Santos, may pa-boobs din naman siya dahil ‘nagpupumiglas’ din naman ang kanyang ‘bumpers’ sa kanyang sexy dress na suot.
Samantala, siguradong explosive raw ang last 2 weeks ng Wildflower. Sa ngayon, medyo hinay-hinay raw ang mga eksena ni Maja bilang Lily Cruz, pero magte-taping pa sila after ng kanyang concert sa Sunday at sigurado raw na maraming mga magugulat sa ipapagawa sa kanya ng staff para sa mga nalalabi pa nilang episodes.