HAVEY: Happy birthday to our beloved Divine Diva Zsa Zsa Padilla ngayong araw na ito.

Naka-tape na ang birthday tribute segment niya sa ASAP na kinunan noong Star Magic 25th Anniversary sa Araneta Coliseum last week.

Zsa Zsa is finishing a film with Ai Ai de las Alas and Beauty Gonzales under Joel Lamangan entitled Bes, May Nanalo Na (Ginalingan Eh).

And on television, while waiting for a teleserye assignment (ang last ay ‘yung The Story Of Us pa), Zsa Zsa plays mother to the beautiful Liza Soberano sa life­story ni Queen P — Pia Wurtzbach.

Sabi ni Zsa Zsa sa picture nila ni Liza na pinost sa IG, “My first time to act with this pretty lady! I must admit, it was hard focusing on my lines while looking at her beautiful face.

“Who knew such beauty could be distracting?

“But she’s such an amazing actor and pretty soon, I felt like I was talking to my very own daughter.”

For her birthday, ang wish ko para sa kaibigan kong Zsa Zsa ay ang mabu­ting kalusugan at peaceful at fulfilling na buhay with her loved ones.

Gusto ko rin siyang magka-hit album ulit. Sana, magkaroon siya ng collaborative recording project with Karylle and Zia singing with her and Coco (Nicole) doing the packaging.

‘Yan ang Team Padilla! Bilang tao, low key pero malalim magmahal at napaka-committed sa kanilang artistry.

Happy birthday, ZsaZshing!!!

***

WALEY: Marami ang nagtataka sa mga balitang diumano ay kasama sina Cesar Montano, Robin Padilla, at Philip Salvador sa entourage ni Presidente Digong Duterte sa Russia.

Nakauwi na si Digong ngunit itong tatlong aktor ay naiwan pa sa hindi natin alam na kadahilanan.

Sana, marami silang maiuwing proyekto na pakikinabangan ng Sambayanan.

***

Bernard Cloma, Cesar, Robin, Sandra Cam at Ipe
Bernard Cloma, Cesar, Robin, Sandra Cam at Ipe

HAVEY: Aside from Richard Gutierrez, alam n’yo ba na medyo breakthrough ang casting ng nalalapit na La Luna Sangre na pagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla?

Kasama sa powerhouse cast ang mahuhusay na aktor tulad nina Joross Gamboa, Victor Neri, at ang nagbabalik-Kapamilya na si Kuya Randy Santiago.

Masaya na may special roles ang mga dependable actors pati na sina John Lloyd Cruz at Angel Locsin.

***

WALEY: Dumating na sa bansa ang asawa at anak ng yumaong si Direk Gil Portes.

Tinatapos pa ang imbestigasyon at autopsy sa kanyang labi.

Ang pakiusap ng pamil­ya ay magkaroon muna sila ng personal na oras kasama si Direk Gil bago ibukas sa public viewing.

Sana, sana ituloy pa rin ng kanyang mga alagang direktor ang pagsasakatuparan ng MMFF movie niya na Mindanao.

***

HAVEY: Successful ang repeat ng 40th Anniversary Concert ni Basil Valdez noong Biyernes.

Dagsa ang mga tagasuporta ng OPM tulad nina Mitch Valdez, Kuh Ledesma, Panjee Gonzales, pati na ang dating magka-loveteam na sina Pops Fernandez at Rowell Santiago.

In-announce din na pagkatapos ni Basil ay si Celeste Legaspi naman ang susunod na bibigyan ng tribute sa The Theater Solaire sa August 5 naman.

***

WALEY: Congratulations sa The Company sa launching ng kanilang 27th album.

Pawang mga 80s hits hangggang mid-90s ang laman ng kanilang Nostalgia 2 album.

Pero hindi madaling mag-mount ng concert na at the same time artists din tulad ng napaka-hands-on na sina Moy, Annie, Cecile, OJ, at Sweet, kaya bravo sa kanila!

Sa isang bagong concert venue ng BGC Arts Center na Maybank Theater ginanap ang concert launch na mas upscale na Teatrino.

Sana, waley tayong sayangin na pagkakataong suportahan ang ganitong mga efforts para suportahan ang mga Pinoy artists.

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.