Zubiri nag-donate ng plasma sa PGH

Nagbigay na si Senate Majority Leader Juan Miguel ng kanyang plasma sa Philippine General Hospital (PGH) para makatulong sa iba pang pasyente na nahawa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Matatandaang dinapuan din ng COVID-19 ang senador subalit nakarekober ito.

“I was very lucky to have recovered with no complications but that is not the case for many other patients, whose bodies are less prepared to fight this disease,” pahayag ni Zubiri.

Inihayag ni Zubiri noong Abril 12 pa natanggap niya ang pangalawang negatibong resulta ng COVID-19 test sa kanya.

Si Zubiri ay isa sa tatlong senador na tinamaan ng virus. Ang kanyang kasama na si Senador Sonny Angara ay nauna nang nag-donate ng kanyang plasma isang linggo matapos makarekober sa COVID-19.

“All of us healthier, perhaps younger people who have been blessed with full recovery from COVID-19—we need to go donate. It’s a fairly simple process, and you’ll be able to help so many people,” ayon pa kay Zubiri. (Dindo Matining)